Nadakip ng mga miyembro ng CCP Complex Sub-station 1 at ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City police ang isang drug suspect na nakumpiskahan ng ₱140,080 shabu Huwebes ng gabi, Setyembre 5.
Kinilala ni Pasay City police officer-in-charge P/Col. Samuel Pabonita ang nadakip na suspect na si alyas Ericson.
Base sa report na isinumite ni Pabonita sa Southern Police District (SPD), inaresto si alyas Ericson dakong alas 6:18 ng gabi sa lungsod.
Sa bisa ng Search Warrant No. 2024-032 na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court Judge Edilwasif T. Baddir ng Branch 115 ay matagumpay ang isinagawang operasyon na nagdulot ng pagkakaaresto ng suspect.
Sa operasyong isinagawa ng mga tauhan ng SDEU at Sub-station 1 ay arekober sa posesyon ng suspect ang 20.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱140,080.
Gumamit din ang nga operatiba ng Body-Worn Cameras (BWC) Alternative Recording Devices (ARD) bilang pagsunod sa Supreme Court Resolution A.M. No. 21-06-08-sc na nagpapakita ng transparency at accountability sa pagsisilbi ng warrant kay alyas Ericson.
Ang narekober na ebidensya ay dinala sa SPD Fore sic Unit upang sumailalim sa chemical analysis habang kasalukuyang nakapiit sa Pasay City police custodial facility ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (James I. Catapusan)