CAVITE CITY- NAHULI ng mga awtoridad ang pinaniniwalaan pinuno ng sindikato ng iligal na droga sa isinagawang drug buy bust operation kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.
Kinilala Police Lt. Col. Jerry Corpuz, hepe ng Cavite City Police Station, ang suspek na si Jonathan Albufera, alyas “Toto Tae,” 38, at residente ng Brgy. 42C, Cavite City.
Nakuha sa suspek ang 5 pirasong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 5 gramo at tinatayang may street value na P12,500.00.
Kasalukuyang nakakulong sa lock-up facility ng Cavite City ang suspek sa tamang disposisyon./Mary Anne Sapico