Home NATIONWIDE Drug syndicate leader sa Cebu nadakip sa Cavite

Drug syndicate leader sa Cebu nadakip sa Cavite

AMADEO, Cavite- NAKA-HOSPITAL arrest ngayon ang tinaguriang pinuno ng sindikato ng droga sa Cebu matapos nagtangkang tumakas sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad nitong Sabado sa bayang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Aljon Chavez, 29, taga Barangay Loma, Amadeo, Cavite.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7, nakatanggap sila ng report hinggil sa presensya ng tinaguriang drug leader sa Cebu na nasa Cavite.

Isailalim sa dalawang 2 buwan monitoring ang suspek at ng magpositibo inilatag ang operasyon laban kay Chavez.

Sa pinagsamang operasyon ng PDEA-7 at Ama­deo Municipal Police Station, 4:15 PM ng madakip ang suspek sa Talon Buho Road, Barangay Talon, Amadeo, Cavite.

Nakuha sa suspek ang malaking pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 100 grams at may estimated market value na P680,000, buy-bust money, cellphone at motorsiklo.

Ayon sa pulisya, tinangka ng suspek na tumakas gamit ang motorsiklo dahilan para paputukan ito ng operatiba na tinamaan sa katawan.

Agad naman dinala sa Tagaytay City Medical Center ang suspek at ngayon ay patuloy na nagpapagaling.

Sinabi ng mga awtoridad na nakakapagbenta ang suspek ng 500 gramo hanggang isang kilo ng shabu sa loob ng isang linggo sa isla ng Cebu kasama ang Cavite at mga kalapit na lugar nito.

Nabatid, na nadakip na ang suspek noong 2018 sa kasong may kinalaman sa illegal na droga.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5, Article II sa Republic Act 9165 si Chavez./Mary Anne Sapico

Previous articleXian, may panawagan sa GMA!
Next articleOFW, anak na Hapon natagpuang patay sa bakanteng lote sa Quezon; tiyahing person of interest, sumuko!