MANILA, Philippines- Duda ang pamilya ng drug war victims na magkakaroon ng progreso ang kaso na may kinalaman sa kontrobersiyal na anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Dahil dito, nanawagan ang mga ito sa International Criminal Court (ICC) na ituloy lamang ang imbestigasyon sa nasabing anti-drug campaign ng nakalipas na administrasyon.
Sa 20-pahinang report na may petsang Mayo 22, sinabi ng ICC na nakatanggap ito ng representasyon na isinatinig ang pananaw at concerns ng 350 individual victims at 165 pamilya kaugnay sa nagpapatuloy na apela sa proceedings.
Ang consultation process sa mga pamilya, isinagawa ng Victims Participation and Reparations Section, natuklasan ng mga ito na desidido ang ICC na ituloy ang Jan. 26 decision kung saan pinapayagan ang prosecutor office ng korte na ipagpatloy ang imbestigasyon sa madugong drug campaign.
Ang alegasyon pa ng mga biktima ay nagpapatuloy di umano ang war on drugs sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ng ICC na “the victims also rejected the grounds of appeal submitted by the government, raising the need for a genuine investigation to obtain justice.”
Binigyang-diin din ng mga ito na ipinakita lamang ng ahensiya ng pamahalaan sa PIlipinas ang pagtutol nito laban sa tangkang makuha ang pagkilala na ang drug killings ay hindi kontrolado ng batas.
“The lack of a government inquiry into the widespread killings and abuses significantly impacts the rights of victims, and in particular, denying them the opportunity to identify, prosecute, and punish the perpetrators of these grave crimes against humanity,” ayon sa dokumento.
Kinondena rin ng mga pamilya ang mga awtoridad sa mga nakalipas na pahayag ng mga ito na mga biktima ay “collateral damage” sa sinasabing police operations.
Nagpahayag naman ng pag-aalala ang mga pamilya ng mga biktima para sa kanilang buhay sabay sabing, “the police continue to harass and intimidate victims in their own homes and communities.” Kris Jose