Home METRO Dry run ng contactless toll payments aarangkada sa Sept. 1

Dry run ng contactless toll payments aarangkada sa Sept. 1

MANILA, Philippines- Sisimulan ng operators ng expressways ang pagsasagawa ng two-month dry run para sa contactless collections sa piling toll plazas sa Sept. 1, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB) nitong Martes.

Sinabi ng TRB na nilalayon ng dry run na matukoy ang kahandaan ng operators para sa muling pagpapatupad ng programa, na itinigil dahil sa mga isyu tulad ng glitches sa sistema.

Kabilang sa qualified toll plazas ang mga nasa ilali, ng North Luzon Expressway, Subic Clark Tarlac Expressway, Cavite-Laguna Expressway, Manila-Cavite Toll Expressway-C5 Southlink, NAIA Expressway, South Metro Manila Skyway (Stages 1 and 2), South Luzon Expressway, Muntinlupa-Cavite Expressway, Metro Manila Skyway Stage 3, Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway, at STAR Tollway.

“As agreed between TRB and the Toll Concessionaires and Operators, a first batch of qualified toll plazas will initially form part of the dry-run to ensure a smooth and efficient implementation. Other qualified toll plazas will gradually be included during the dry-run period,” pahayag ng regulator.

Base sa TRB, nasuri nito ang kabuuang 717 sa 852 operated toll lanes. Pinatatakbopa rin ang natitirang 135 bilang cash lanes, dagdag nito. RNT/SA

Previous articlePinas wala sa ‘war footing’ vs Tsina – DFA chief
Next articleP105.6B inilaan ng DBM para sa libreng edukasyon sa SUCs sa 2024