Home NATIONWIDE DSWD: 4Ps list na kumakalat online, peke!

DSWD: 4Ps list na kumakalat online, peke!

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang umano’y master list ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na kumakalat online.

Sinabi ng DSWD na “peke” ang listahan at hindi sila naglabas ng schedule para sa dapat bayaran ng cash assistance.

Nilinaw din nito na natatanggap ng mga benepisyaryo ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng kanilang mga cash card.

Para sa updates sa 4PS, pinayuhan ng DSWD ang publiko na maghintay ng anunsyo sa kanilang social media accounts at official website: www.dswd.gov.ph. Santi Celario

Previous articlePangalan ng mga nanalo sa lotto handang isumite ng PCSO sa Senado
Next articleP1K monthly pension matatanggap na ng senior citizens simula Enero — DSWD