Home NATIONWIDE DSWD aminado, P3K food stamp ‘di sapat

DSWD aminado, P3K food stamp ‘di sapat

MANILA, Philippines – Aminado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi sapat ang P3,000 food stamp credit sa bagong proyekto ng ahensya.

“Maari bang malaman anong batayan ng P3,000 kasi sa taas ng presyo ng bilihin, sa totoo lang di naman sasapat yung P3,000. Maaaring tumagal lang ito ng 2 linggo sa isang pamilya,” giit ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas nitong Huwebes, Agosto 17 sa budget briefing sa House Appropriations Committee.

Batid naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na hindi talaga ito sapat ngunit ito lamang umano ang kaya ng pamahalaan.

“Alam po namin hindi kakasya ang pondo, ang food credits na binibigay natin pero ang layunin natin is merely supplemental, tulungan natin ho sila. Pero hindi ho natin kakayanin dahil sa limited resources na ibigay yung buong amount sa kanila,” paliwanag ni Gatchalian.

Anang kalihim, ang nasabing halaga ay napagdesisyunan ng DSWD batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), na ang food-poor ay kumukita lamang ng mas mababa sa P8,000 kada buwan. RNT/JGC

Previous article1 sa 3 suspek sa pagpatay sa propesor arestado
Next articleArchdiocese of Manila nagbabala sa mga nagpapanggap na Simbahang Katoliko