DSWD: Distribusyon ng 2nd tranche ng cash aid, de-depende sa LGUs

DSWD: Distribusyon ng 2nd tranche ng cash aid, de-depende sa LGUs

May 24, 2020 @ 11:15 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Maaaring dumipende ang distribusyon ng ikalawang tranche ng social amelioration subsidy sa local government units, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Sabado sa isang ulat.

“Depende kami diyan sa liquidation ng ating mga LGUs. Kasi ang nasa guidelines, kailangan muna ma-validate ‘yung na-send out na first tranche para sa ganon, ‘yung duplication ay siguradong hindi maulit sa 2nd tranche,” ani assistant secretary Joseline Niwane.

“So kung mayroon tayong na-doble o kaya may na-duplicate or hindi eligible, ma-clarify kaagad,” dagdag pa niya.

Sa 1,634 local government units sa buong bansa, 1,250 ang nakatapos na ng kanilang distribusyon ng subsidy habang 550 naman ang nakatapos ng liquidation.

Sa kabila nito, siniguro ng DSWD na mahirap sa maikling panahon ang pagsasagawa ng liquidation.

“Alam naman natin na COA pa rin in the end ang magpo-post audit nito. So I think our LGUs would not like na may mahanap din na magiging kasalanan nila, so talagang careful din sila,” giit ni Niwane.

“We have to do something para siguradong maibigay din on time ‘yung pangangailangan ng ating mga kababayan kasi alam naman natin na ito ang time na kailangan nila ang tulong,” dagdag pa niya.

Nilinaw ng ahensya na pinalawig hanggang Hunyo ang distribusyon at liquidation ng SAP subsidy.

Bukod dito, hinihintay din ng ahensya ang memorandum mula sa Malakanyang tungkol sa distribution process ng ikalawang tranche. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...