Home OPINION DSWD KATUWANG NG MAGSASAKA LABAN SA EL NINO

DSWD KATUWANG NG MAGSASAKA LABAN SA EL NINO

KUNG pagbabatayan ang pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and
Astronomical Service Administration kaugnay sa El Niño, hanggang katapusan ngayong
Pebrero na lang daw ito bunsod sa magsisimula na rin umano ang Northeast Monsoon
o kilala sa tawag na Amihan na pinaniniwalaang lulusaw sa tagtuyo.

Isipin n’yo nga naman kung ilang libong magsasaka pa ang tatamaan nitong epekto ng
kuwaresma kapag tumagal pa ito ng dalawa hanggang tatlong buwan kung saan halos
umabot na sa apatnapung lalawigan ang dumaranas ngayon ng mababang ani dahil sa
kakulangan ng suplay ng tubig.

Hindi pa kabilang d’yan ang mga pamilya sa Northern at Central Luzon na nakakaranas
ng kawalan ng tubig na maiinom at pandilig sa kanilang pananim na pangunahing
pagkain naman nila.

Subalit ayon sa PAGASA,hindi maiiwasan na mararamdaman ng mga kababayan natin
ang epekto ng El Nino sa Central Visayas at Western Mindanao sa mga buwan ng Abril
at Mayo kaya naman kaliwa’t kanang paghahanda ang isinagawa ngayon ng ilang
ahensya ng pamahalaan upang labanan ang posibleng pagtama nito lalo na sa sektor
ng agrikultura sa bansa.

Kabilang sa mga programang inilunsad ng Department of Social Welfare and
Devleopment katuwang ang iba pang sangay ng gobyerno ay ang project LAWA(Local
Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest
for the Impoverished) kung saan layunin nito ang palakasin ang kakayahan ng
mahihirap na pamilyang madalas tamaan ng mga kalamidad tulad ng tagtuyo.

Kaakibat ng programang ito ang paggawa ng maliliit na water impounding facilities na
sadyang magsusuplay ng tubig sa mga magsasaka sa mga lugar na walang sapat na
patubig sa mga pananim.

Katulong ng DSWD at Department of Agriculture ang lokal na pamahalaan sa
pagpapatupad ng proyektong ito sa ilang lalawigan na itinuturing na may kakulangan ng
irigasyon kabilang na ang mga probinsya ng Catanduanes, Masbate at Sorsogon sa
Bikol at ilan pang lugar sa Kabisayaan at Mindanao.

Sa madaling sabi, hindi lang pagtugon sa pangangailangan ng asistensya ng mga
pobreng mamamayan ang ginagawa ngayon ng DSWD kundi katuwang na rin ito sa
pagpapatupad ng mga proyekto para labanan ang epekto ng climate change na hindi
naman kasama sa normal na mandato ng ahensya.

Previous articleDASAL AT PAGKILOS 
Next articleSUNOG KAHIT SAAN; TOWERING INFERNOS