Home NATIONWIDE DSWD nagbabala vs pekeng socmed page na nag-aalok ng tulong

DSWD nagbabala vs pekeng socmed page na nag-aalok ng tulong

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes ukol sa isang Facebook page na nag-aalok ng financial assistance.

Base sa DSWD, hindi opisyal ang Facebook group “DSWD Online Tulong 10k Assistance (Ayuda).”

Ayon pa sa ahensya, hindi ito nagbibigay ng financial assistance online.

“Hindi totoo na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namimigay ng Php10,000 na tulong pinansyal online. Ang DSWD ay hindi nagbibigay ng anumang halaga hangga’t hindi ito dumadaan sa assessment ng ating social worker,” saad sa post ng DSWD.

Pinayuhan ng DSWD ang publiko na iwasang mabiktima ng mga ganitong posts dahil maaari umanong scamming techniques ang mga ito, at kumuha lamang ng impormasyon sa mula sa official platforms nito.

“Huwag magtiwala at huwag magpaloko sa mga posts na nakapaloob sa group na ito dahil maaari kayong maging biktima ng SCAM,” anito.

“Kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa. Huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source tulad ng Facebook group page na ito,” dagdag ng ahensya. RNT/SA

Previous articleP12M koleksyon City Hall ‘kinulimbat’ ng empleyado
Next articleBullet, magsasampa ng libel laban kay Cristy?