Home NATIONWIDE DSWD nagbanta sa cash transfer beneficiaries: Sangla-ATM bawal!

DSWD nagbanta sa cash transfer beneficiaries: Sangla-ATM bawal!

309
0

MANILA, Philippines – Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng cash transfer subsidy programs ng pamahalaan laban sa paggamit ng kanilang cash cards o ATM cards bilang pambayad sa utang.

Sa isang panayam, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na kapag ibinigay ng isang benepisyaryo ang kanyang cash card sa ibang tao, “then in effect, that new person becomes the new beneficiary.”

Nilinaw pa ni Gatchalian na ang “sangla-ATM” scheme ay paglabag sa cash transfer program.

Advertisement

“Kapag isinangla mo ang isang cash card na ibinigay sa’yo ng gobyerno… ilegal ‘yun. Ibinigay ‘yun sa’yo, nakapangalan sa’yo at huwag mong ibigay sa ibang tao,” sabi niya.

“May parusa ‘yan. Maaari kang hindi payagang sumali sa mga susunod pang programa ng gobyerno,” dagdag niya.

Hinimok ni Gatchalian ang publiko na ipaalam sa DSWD ang mga benepisyaryo na sangkot sa pagsasangla ng kanilang cash cards. RNT

Previous article50% occupancy rate sa ilang pribadong ospital naitala sa COVID-sirit
Next articleBantag, Chaclag kinasuhan ng grave coercion ng DOJ

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here