Home NATIONWIDE DSWD naghanda ng packed goods sa pag-alburoto ng Bulkang Taal, Mayon

DSWD naghanda ng packed goods sa pag-alburoto ng Bulkang Taal, Mayon

555
0

MANILA, Philippines- Naghanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng  200,000 goods para sa mga rehiyon na maaaring maapektuhan ng Taal at Mayon volcanoes, na nagpapakita ng “increasing unrest.”

Inanunsyo ni DSWD Secretary Rex Gatchaliann nitong Miyerkules na 100,000 goods ang nakalaan para sa Bicol Region, habang ang 100,000 ay ipinamahagi sa Taal.

Ayon pa kay Gatchalian, nakipag-ugnayan siya kay Albay governor Edcel Greco Lagman para magbigay-tulong sa probinsya.

“We’ll continue to stockpile and make sure na— kung may mangyari— we’re ready to augment the local governments’ efforts. Kasi alam namin ang response sa frontline is the local government. Siyempre, kapag overwhelming yung disaster, kailangang tumulong ang national government,” pahayag ni Gatchalian sa Kapihan sa Manila Bay forum.

Binanggit pa ng welfare secretary na may nakahandang halos 1 milyong goods sa buong bansa sa pagbangon at paghahanda para sa mga kalamidad.

“Ang naging positioning ng departamento is to preposition goods, ‘wag lang lahat nasa Maynila. Nakakalat ‘to,” aniya.

“As we speak, around one million goods are spread across our different field offices nationwide and more are being processed in our repacking centers in Cebu and in Manila,” dagdag ni Gatchalian.

Inaasahan din ng DSWD na matatanggap ang contamination test results “very soon” from the country’s  mula sa Food and Drug Administration (FDA) sa umano’y expired na mga lata ng Ocean’s Best tuna na kasama sa food packs ng departamento.

“They did both sensory and actual contamination tests. It took sometime pero babalikan na raw nila kami very soon,” pahayag ni Gatchalian.

“Wala yun [in current food packs.] Nakatabi ‘yun. In the event that na may contamination, hindi lang yung food boxes lang namin ang problema. These are products that are readily available in grocery shelves or online so things will have to be called,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleBabala ni Pimentel: Pagpapalit ng salita sa Maharlika Bill, krimen
Next articlePaolo, bet bisitahin si Summer sa Amerika, namahalan sa tiket!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here