Home NATIONWIDE DSWD naglaan ng higit P388M standby funds para sa Holy Week

DSWD naglaan ng higit P388M standby funds para sa Holy Week

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes na nakaantabay ang disaster management at response teams nito ngayong Mahal na Araw.

Sinabi ng ahensya na handa lahat ng 16 field offices na rumesponde sa anumang insidente na maaaring maganap sa kasagsagan ng religious observation.

“Under the directive of Secretary Rex Gatchalian, all Quick Response Teams (QRT) of the Department will remain on standby and ready for deployment should any event necessitate their intervention,” pahayag ni DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao.

“Our National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) is also on top of replenishing food and non-food items necessary for resource augmentation to local government units, whenever necessary,” giit niya.

Sinabi rin ng opisyal na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa state weather bureau para sa weather updates at impormasyon.

Naglaan din ang DSWD ng mahigit P388 milyong standby funds at higit 1 milyong family food packs sa buong bansa para sa Holy Week.

“We urge the public to stay safe, remain vigilant, and heighten awareness to avoid emergencies, particularly during the Lenten Season break,” patuloy ni Dumlao. RNT/SA

Previous articleVillar ginawaran ng UNAP awards
Next articlePamunuan ng Intramuros nag-abiso sa mga bisita