MANILA, Philippines- Nagpadala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 1 milyong family food packs sa buong bansa sa paghahanda sa pagtama ni Super Typhoon Mawar, na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ngayong weekend.
Inilahad ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang contingency measures ng ahensya sa inter-agency meeting sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Huwebes.
Nauna nang sinabi ni DSWD Special Assistant to the Secretary Marlon Alagao na inaasahang patungong norte si Mawar, na tatama sa northwestern regions ng bansa. RNT/SA