Home NATIONWIDE DSWD nagpadala ng 9K dagdag na food packs sa Surigao del Sur

DSWD nagpadala ng 9K dagdag na food packs sa Surigao del Sur

MANILA, Philippines – Naghatid ng karagdagang 9,077 family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) 13 (Caraga Region) sa Surigao del Sur para sa mga residenteng apektado ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa probinsya noong Disyembre 2.

“The augmentation is in response to the growing demand for relief items for the affected families,” saad sa pahayag ng DSWD-13 nitong Miyerkules, Disyembre 20.

Nitogn Lunes, naglabas ang ahensya ng karagdagang FFPs sa mga bayan ng San Miguel, Lianga, Bayabas, Lanuza, at Tandag City.

Nakatakdang mamahagi ng food packs ang lokal na pamahalaan sa kani-kanilang mga apektadong residente.

Sa kabuuang bilang ng mga kahon na naihatid, 1,173 ang para sa Tandag City, 5,774 sa San Miguel, 1,438 sa Lianga, 456 sa Lanuza, at 236 sa Bayabas.

Naglalaman ang FFP ng bigas, de-lata, instant noodles, kape, asukal at gatas.

Mayroon pang 22,165 FFPs na handang ipamahagi at standby fund na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Inaasahan din ang pagdating ng dagdag na suporta, na nasa biyahe na mula sa Visayas Disaster Resource Center. RNT/JGC

Previous articlePUV modernization deadline itakda pagkatapos ng mass transportation infra – solon
Next articleKauna-unahang winter song ng CLASS.Y, inilabas na!