Home NATIONWIDE DSWD nakapagbigay na ng P200M tulong para sa Davao Region

DSWD nakapagbigay na ng P200M tulong para sa Davao Region

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development nitong Linggo na nakapagbigay ito ng mahigit P200 milyong tulong at kabuuang 282,561 family food packs (FFPs) sa mga pamilyang apektado ng mga kalamidad sa Davao Region kamakailan, kabilang ang landslide na tumama sa Maco, Davao de Oro noong nakaraang linggo.

Ayon sa DSWD, natanggap ng Davao del Norte ang mayorya ng tulong: P85 milyon at 129,168 FFPs.

Binigyan naman ang Davao Oriental ng P63 milyong tulong at 93,553 FFPs.

Natanggap ng Davao de Oro ang P46 milyong tulong at 69,007 FFPs. Ibinahagi naman ang parte ng tulong para sa Davao de Oro sa mga biktima ng landslide sa Barangay Masara sa Maco.

Kapwa nagdeklara ng state of calamity ang tatlong nabanggit na lugar.

Samantala, nakatanggap ang Davao Occidental ng P1.2 milyong tulong at 1,919 FFPs, habang binigyan naman ang Davao City ng P700,000 tulong at 1,089 FFPs. RNT/SA

Previous articleBARMM voter registration tututukan ng Comelec
Next article71 sakay ng RoRo sinaklolohan ng PCG sa N. Samar