Home NATIONWIDE DSWD officials nakipagkita sa ex-Abu Sayyaf members sa pagpapabuti ng peace at...

DSWD officials nakipagkita sa ex-Abu Sayyaf members sa pagpapabuti ng peace at dev’t programs

MANILA, Philippines – Nakipagkita ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa community leaders at mga dating miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu, upang pag-usapan ang mga pamamaraan para mapabuti ang peace at development programs ng pamahalaan.

Isinagawa ng DSWD ang focus group discussions (FGDs) at interviews sa rebel returnees noong Enero 30 sa ilalim ng “Balik-Barangay Program,” na layong tulungan ang mga pamilya na lumikas dahil sa armed conflict na makabalik sa kani-kanilang tahanan.

“Following the instruction of Secretary Rex Gatchalian, we conducted the dialogue that centered on understanding the unique challenges faced by the community and identifying collaborative strategies to address them, anchored on the experiences of the former ASG members and the community leaders,” pahayag ni DSWD Undersecretary Alan Tanjusay.

“The guide would aid the formulation and implementation of more defined and focused programs and activities for former members of non-state armed groups, aiding their transition back to becoming productive citizens of our country,” dagdag niya.

Ang mga datos na nakuha sa briefing, FGDs, at community visits ay magsisilbing input para sa pagpapabuti ng kasalukuyang Case Management Guide for Peace and Development Programs ng DSWD.

“The remarkable experience of these community members will provide us with a good overview of how they returned home despite the armed conflict. These will surely help us improve our case management guide to facilitate our clients’ eventual healing and mainstreaming for sustained peace and development outcomes,” ayon kay Tanjusay.

Maliban sa dialogue, binisita rin ng DSWD ang dalawang dating conflict-affected barangays sa Patikul na nakinabang din sa ‘Balik-Barangay Program.’ RNT/JGC

Previous articleDalagita na nakipagkita sa boyfriend sa Davao City, natagpuang patay
Next articleFueling the future: SM Prime unveils groundbreaking waste-to-fuel partnership