Home NATIONWIDE DSWD sa regional directors: Makipagtulungan sa LGUs sa pamamahagi ng tulong

DSWD sa regional directors: Makipagtulungan sa LGUs sa pamamahagi ng tulong

210
0

MANILA, Philippines- Inatasan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang lahat ng regional directors (RDs) sa Luzon na makipagtulungan at makipag-ugnayan sa mga opisyal ng local government unit (LGU) para sa distribusyon ng relief goods matapos ang pananalasa ngi Tropical Storm (TS) Dodong.

Nais kasing makasiguro ng DSWD na ang lahat ng pamilya at indibidwal na matinding naapektuhan ng (TS) Dodong, lalo na sa Central at Northern Luzon, ay “well taken care of.”

“Kindly make sure to link up with your governors and tell them if they need help with evacuation. We can send over FFPs (family food packs). I’m seeing in the news isolated evacuations everywhere,” ang sinabi ng Kalihim sa regional officials.

Binigyang-diin ni Gatchalian na kailangang maging proactive ang mga ito na manawagan sa kani-kanilang mga gobernador, alkalde at kongresista  at alukin ang mga ito na maghatid ng FFPs sa mga lugar kung saan may mga bakwit.

Sinabi naman ni Central Luzon Regional Director Jonathan Dirain  kay Gatchalian na ang Field Office-3 ay nakikipag-ugnayan na sa provincial government ng Bulacan para sa  FFP dispatch.

“We will be sending FFPs to the evacuation center (in Bulacan) kahit wala pa po silang request,” ayon kay Dirain.

Sa kabilang dako, kabilang sa mga lugar na apektado ni TS Dodong ay ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya (Region 2-Cagayan Valley); Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet (Cordillera Administrative Region);  Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, hilagang bahagi ng Pangasinan (Region 1-Ilocos Region); at hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Region 3- Central Luzon).

Iniwan na ni TS Dodong ang Philippine Area of Responsibility (PAR) araw ng Sabado subalit pinalakas naman ang southwest monsoon, dahilan ng naranasang “moderate to severe rainfall” hanggang araw ng Linggo. Kris Jose

Previous article9 mangingisda nawawala!
Next articleMost wanted na bebot dinampot sa Navotas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here