Home NATIONWIDE DSWD ‘top performing agency’ sa OCTA survey

DSWD ‘top performing agency’ sa OCTA survey

MANILA, Philippines- Pinangalanan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang top-performing government agency sa December 2023 “Tugon ng Masa Survey” na isinagawa ng OCTA Research.

Lumabas sa survey, na isinagawa mula Dec. 10 hanggang 14, na ang DSWD ang may pinakamataas na public satisfaction rating sa 86 percent.

Ang iba pang ahensya na nanguna sa performance survey ay ang Commission on Higher Education (82 percent), Department of Education (81 percent), Department of Health (78 percent), at Department of Public Works and Highways (76 percent).

“Generally, government agencies received high performance ratings in Visayas and Mindanao, while low performance ratings were observed in Balance Luzon,” anang OCTA sa ulat nitong Huwebes.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez na patunay ang resulta ng survey na natugunan ng social protection programs ng DSWD ang pangangailangan ng mga Pilipino, partikular ng mahihirap.

“We in the DSWD believe that the agency’s new innovations, such as the Food Stamp Program, the Tara, Basa! Tutoring Program and Project Pag-Abot contributed to the department’s being No. 1 in satisfaction rating among government agencies,” wika ng opisyal.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents sa buong bansa.

Mayroon itong ±3 percent margin of error sa 95 percent confidence level, na may subnational estimates para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao sa ±6 percent margin of error. RNT/SA

Previous articleP31.98B ilegal na droga, kemikal nasamsam ng PDEA mula July 2022
Next articleEnvironmentalists: ‘Surveillance’ ng gov’t patuloy pa rin sa kabila ng SC protection order