Home METRO Dumaraming kaso ng gastroenteritis tatalupan ng Baguio City

Dumaraming kaso ng gastroenteritis tatalupan ng Baguio City

BAGUIO CITY- Ipinag-utos ng mga lokal na opisyal na imbestigahan ang dumaraming kaso ng acute gastroenteritis na iniuugnay sa posibleng kontaminadong tubig sa ilang establisimiyento sa lungsod.

Inihayag ng City Health Services Office (CHSO) na nagpatupad na ito ng mga panukala upang tugunan ang isyu, kabilang ang pagsuri sa water samples mula sa iba’t ibang sources.

Ayon sa sanitation division ng CSHO, sumasailalim na ang nakolekta nitong water samples sa testing at retesting “to pinpoint the actual source and cause of the contamination.”

“The division also linked up with the Baguio Water District and had been assured by the district that they will conduct their own investigation and testing to aid in determining the cause of the problem,” anang CHSO .

Iginiit naman ni Dr. Celia Flor Brillantes, city health officer, na pinayuhan na nila ang local establishments na iwasang mag-serve ng tap at filtered water at tanging purified o bottled water lamang.

“We are hoping that all food establishments will cooperate to help ensure the safety of their customers and prevent more incidents,” ani Brillantes.

Nakapagtala na ang CSHO ng hindi bababa sa 350 kaso ng acute gastroenteritis mula Dec. 21 noong nakaraang taon.

Sinabi naman ng SM City Baguio na nagsasagawa na ito ng proactive measures “to ensure the safety of its stakeholders amid a possible health concern reported in areas even outside the mall.”

“As part of [our] periodic comprehensive water testing, we are collaborating with the local City Health Office to conduct immediate tests for the mall and among its tenants to promptly identify any potential risks,” pahayag ng mall management.

“Likewise, we are working with our tenants to temporarily serve mineral or bottled water for everyone’s safety,” patuloy nito. RNT/SA

Previous articleKasintahan pinaslang, anak ginahasa ng kelot!
Next articleIndonesian President Widodo sinalubong ni PBBM sa Malakanyang