Home HOME BANNER STORY Duterte-China ‘deal’ probe sa pag-alis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin  ‘aksaya...

Duterte-China ‘deal’ probe sa pag-alis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin  ‘aksaya sa oras – Panelo

MANILA, Philippines – “A waste of time”

Ganito kung ituring ni dating presidential spokesperson Salvador Panelo ang panawagan ng isang mambabatas na imbestigahan ang sinasabing kasunduan sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Tsina para alisin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal.

Binigyang diin ni Panelo na ang sinasabing kasunduan ay “non-existent” at ang usapin na ito ay dati ng natugunan.

“That was already (responded) to – no promise was made and China has NOT substantiated its [claims] that there was a commitment by whoever,”ayon kay Panelo.

Sa ulat, pinaiimbestigahan ng Makabayan bloc sa Kamara de Representantes ang umano’y pangako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na lilimitahan ang suplay na ipadadala sa mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro mahalaga na malaman kung totoo ang lumabas sa balita at kung mayroon pang ibang ipinangako si Duterte sa China.

“This should be urgently investigated to uncover what else he [Duterte] has promised to China. Duterte should be held accountable for betraying the Philippines,” ayon kay Castro.

Ang hirit pa ni Castro ay ang agarang pagtatakda ng pagdinig ng komite na nakasasaklaw sa isyu.

Samantala, napaulat na hiniling ng China sa administrasyong Duterte na huwag magpadala ng mga malalaking building materials sa BRP Sierra Madre, isang World War II ship na ginagamit na istasyon ng militar sa Ayungin Shoal.

Sinasabing , ang kapalit di umano nito ay payagan ng Tsina ang regular na resupply mission sa BRP Sierra Madre. Kris Jose

Previous articleBabala ni Blinken sa pagpapagana ng PH-US Mutual Defense Treaty pinalagan ng Tsina
Next articleGrab rider dakip sa P340K tobats