Home NATIONWIDE Duterte may hugot ngayong Valentine’s Day

Duterte may hugot ngayong Valentine’s Day

MANILA, Philippines – May hugot ngayong Valentine’s Day si Vice President Sara Duterte.

Binalaan niya ang mga estudyante at ang publiko na huwag basta-basta lalapit sa kanilang mga “crush.”

“Kaya crush ang tawag sa tao na gusto mo dahil he will crush your heart and break your heart, kaya ‘wag mo na lang lapitan, Happy Valentine’s sa inyong lahat,” sinabi ni Duterte sa sidelines ng kanyang official visit sa Malaysia.

Sa hiwalay na mensahe, nagpaalal si Duterte sa publiko na mas mahalaga pa rin ang bigas kaysa sa pag-ibig ngayong Araw ng mga Puso.

“Ang sakin lang, mas importante ang bigas kesa sa love, kung meron kang love pero wala naman pang bili ng bigas, para kang kumain ng kare-kare ng walang kanin,” sinabi pa ng Bise Presidente.

“Ganyan ang Valentine’s Day, bigas bago love,” dagdag niya. RNT/JGC

Previous articleMayor Malapitan kaladkad ng ‘Marine One’
Next articleP32.72B inilaan ng DBM sa livelihood, employment programs