Home NATIONWIDE Duterte sa ICC: ‘You are wrong’

Duterte sa ICC: ‘You are wrong’

104
0

MANILA, Philippines- Nanindigan si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kinailangang isagawa ng kanyang administrasyon ang kampanya laban sa iligal na droga para isakatuparan ang kanyang sinumpaang tungkulin sa mga Pilipino, ayon sa ulat.

Inihayag ito ni Duterte matapos ianunsyo ng International Criminal Court (ICC) ang muling pagbubukas ng imbestigasyon nito sa mga pagpatay sa bansa na umano’y resulta ng anti-drugs war.

“Since when was it a crime for a sovereign head of state for me to threaten criminals? Sabi ko if you destroy my country, I will kill you,” aniya nitong Martes.

“You know you take an oath to protect the people. How can I protect you with just empty words? If I have to kill those who’d want to harm you, then so be it,” dagdag niya.

Sinabi ng dating pinuno na hindi basta makapagsasagawa ang international body ng imbestigasyon nang walang pahintulot mula sa Philippine government.

“You cannot just intrude into a country and start an investigation because that is a function of the sovereign state. If you don’t have permission from the state, from Congress, from the president, you don’t have business to conduct investigation,” giit niya.

Sinabi ni  Duterte na “mali” ang ICC na maniwala na ang pamahalaan ang nasa likod ng mga pagpatay sa bansa.

“Hindi lang alam ng ICC, you think that all those killings were perpetrated by the government agencies, you are wrong. Better still you should be on the ground.”

“You know ICC, you want me to go to prison? I will. I will, as a matter of fact, I did it as a matter of principle so that I will die for it and go to prison and rot there until kingdom come,” dagdag niya.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) data, hindi bababa sa 6,000 indibidwal ang napatay sa kasagsagan ng kampanya laban sa iligal na droga.

Subalit, sinabi ng International Coalition for Human Rights in the Philippines na umabot ito sa 30,000.

Nauna nang inihayag ng Marcos administration na dapat hayaan ng ICC ang bansa na magsagawa ng imbestogasyon sa ilalim ng judiciary nito.

Sinabi naman ng Department of Justice (DOJ), batay sa international law, na pwede lamang makialam ang ICC sa justice system ng bansa kung wala talaga itong kakayahan o ayaw ng bansa na imbestigahan ang mga krimen dito.

Giit pa nito, iniimbestigahan na umano ang mga kaso ng mga pagpatay na may kinalaman sa drug war mula 2016 hanggang 2019. RNT/SA

Previous articleDina, nagsalita na sa isyu nila ni Alex!
Next articleNDA ng bakuna, panis na; tunay na presyo, dapat isapubliko – Hontiveros