Home METRO Dyip nawalan ng preno, 34 sugatan!

Dyip nawalan ng preno, 34 sugatan!

CITY OF CAUAYAN, Isabela- May kabuuang 34 indibidwal na sakay ng jeep ang nagtamo ng mga sugat, kung saan kinailangang dalhin sa ospital ang 11, matapos masangkot ang sasakyan sa isang aksidente sa kahabaan ng Maligcong-Bontoc road sa Mountain Province nitong Lunes, ayon sa mga awtoridad.

Sinabi ni Johanna Padaen, Bontoc disaster risk reduction and management officer, na pumalya ang preno at manibela ng sasakyan bago ito bumangga sa gilid ng bundok.

Ani Padaenm minamaenho ni David Focasan Jr. ng Barangay Maligcong sa bayan ng Bontoc ang nasabing jeep.

Dinala ang 11 sugatang indibidwal sa Bontoc General Hospital, habang nakalabas na ang 23 matapos gamutin.

Anang isang pasahero, nagmula ang jeep sa Maligcong, at habang binabaybay ang Maligcong-Bontoc road papalapit sa Am-anani, Bontoc Ili, biglang bumilis ang takbo ng sasakyan dahil nawalan ito ng preno.

Upang maiwasan ang mas malalang insidente, ibinangga ng driver ang sasakyan sa gilid ng bundok sa kahabaan ng Sac-angan, Caluttit. RNT/SA

Previous article1.5K pulis ipakakalat sa pagdiriwang ng Chinese New Year
Next articleKoleksyon ng BOC lampas sa Jan. 2024 target