Home METRO Dyumi-“jingle” sa kalsada huli sa pen gun

Dyumi-“jingle” sa kalsada huli sa pen gun

Arestado ang isang lalaki nang mahulihan ng kargadong pen gun habang umiihi sa Valenzuela City.

Paglabag sa Republic Acct 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang kasong haharapin ni alyas “Mel,” 35, binata, ng Gen. T. De Leon, ng lungsod.

Dakong 10:35 pm ng Nobyembre 25 nang matiklo si Mel sa malapit sa H&S Embroidery, Inc. sa 8-A Rincon Street, Malinta, Valenzuela.

Nagpapatrolya ang mga parak nang maispatan ang suspek na umiihi sa pampublikong lugar, at nang lapitan para isyuhan ng ordinance violation receipt ay nakita ang pen gun na nakasukbit sa kanyang baywang kaya siya dinakip at sinamsam ang nasabing armas.

Nang hanapan ng dokumento para sa kinumpiskang pen gun na kargado ng bala ng 9mm ay walang naipakita si Mel kaya ibinalibag siya sa selda. Merly Iral

Previous articlePamamahagi ng mga kagamitan sa pampublikong paaralan
Next articleJennylyn, lalayas na sa GMA?