Home METRO E-bike driver arestado sa P5.2M droga

E-bike driver arestado sa P5.2M droga

CEBU CITY –SHOOT sa kulungan ang isang e-bike driver sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kahapon ng lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Rodulf Cabigon Aguilar, 21-anyos at residente sa Barangay Ermita, Cebu City.

Ayon kay Police Lt Col Dindo Juanito Alaras, hepe ng Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office, nakuha sa suspek ang 775 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5.2 milyon.

Ibinunyag pa ni Alaras na ang biyenan ni Aguilar ay naaresto noong nakaraang taon sa parehong kaso at

nadiskubre nila sa surveillance na si Aguilar ang humalili sa kanyang biyenan sa kanyang illegal drug activities.

Lumabas din sa monitoring ng pulisya na kayang magbenta ni Aguilar ng hindi bababa sa 300 gramo ng shabu kada linggo.

Sa himpilan ng pulisya sinabi ng suspek na pangalawang beses pa lang siyang magdeliver ng shabu kapalit ng P5,000 sa bawat paghahatid ng ilegal na droga.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang suspek. /Mary Anne Sapico

Previous articlePCG naka-heightened alert bukas, Hulyo 24
Next articleAsong nawawala, karne na nang makita; kelot kulong