Home NATIONWIDE E-bike, e-scooter for rent iaalok sa UPLB campus

E-bike, e-scooter for rent iaalok sa UPLB campus

LAGUNA, Philippines – Magsisimula nang mag-alok ang University of the Philippines-Los Baños (UPLB) ng isang ride-sharing system sa pamamagitan ng pagbabalik ng bike culture na isang hakbang upang bawasan ang carbon footprints.

Ang nasabing plano ng UPLD ay posibleng maging una sa lahat ng higher institutions (HEIs) sa Pilipinas.

Kasama ang bike rental business ng UPLB alumni, Tipaklong Sustainable Mobility, Corp., hinahangad ng unibersidad na simulan ang ride-sharing system sa pamamagitan ng pag-aalok ng ilang e-bikes at e-scooter na paupahan sa komunidad ng UPLB.

“This is us taking a revolutionary step. As a national university, we need to be conscious of our carbon footprint and proactively engage our constituents with our efforts to be steadfast stewards of our environment,” ani Vice Chancellor for Community Affairs Roberto P. Cereno.

Sinabi naman ng UPLB sa isang pahayag na ang mga pagrenta ay maaaring gawin sa pamamagitan ng isang mobile phone application habang ang system ay dadaan sa isang feasibility study upang masuri ang mga salik kabilang ang “kabuuang bilang ng mga biyahe, distansyang nalakbay, at carbon dioxide emissions na iniiwasan” bukod sa iba pang makabuluhang mga aspeto para sa pagpapatupad nito.

Idinagdag din nito na ang UPLB Security and Safety Office ay bibigyan ng mga yunit ng bisikleta na makakatulong sa kanila na mapadali ang kanilang patrol operations sa paligid ng campus.

“Ang pagtutulungang ito ay bahagi ng Green Mobility Initiative (GMI) na nag-iisip ng isang berdeng komunidad para sa UPLB sa pamamagitan ng pagbuo ng mga partnership at pagbuo ng mga mekanismo para isulong at gamitin ang environment-friendly na mga mode ng campus transport,” dagdag nito.

Sinabi ng UPLB na mas maraming bike racks ang ilalagay sa campus upang mag-udyok sa komunidad na maging isa na may layuning “berde at aktibong transportasyon.”

Bukod dito, nabuo ang Transportation System and Traffic Management Master Plan (TSTMMP) ng unibersidad para sa materialization ng bike lanes sa campus upang isulong din ang “road safety of cyclists.”

Ipinaalam din ng UPLB sa publiko na maaaring may interes na mag-isponsor o maging bahagi ng GMI sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang layunin sa pamamagitan ng e-mail na naka-address sa UPLB Office of the Vice Chancellor for Community Affairs sa mailto:[email protected]. ph. RNT

Previous articleAirAsia may PISO Sale
Next articleBangkay na pugot-ulo natagpuan sa tabing-daan sa Carmona