Home HOME BANNER STORY E-bikes, e-trikes bawal na sa national roads sa Metro Manila

E-bikes, e-trikes bawal na sa national roads sa Metro Manila

MANILA, Philippines – Nagpasa ang Metro Manila Council (MMC) ng resolusyon na magbabawal sa e-vehicles sa national road sa National Capital Region, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules, Pebrero 28.

Ang anunsyo ay sinabi ni MMDA chief Romando Artes kasabay ng press conference matapos na manguna sa meeting ng MMC.

“Ngayon pong umagang ito ay nagpasa ang MMC ng resolusyon regarding regulation ng e-trikes at other electric vehicles na pinagbabawal na po natin sa major roads na nasa jurisdiction ng MMDA,” ani Artes.

Sakop ng pagbabawal ang mga sumusunod na kalsada:

Recto Avenue
Pres. Quirino Avenue
Araneta Avenue
Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA)
Katipunan Avenue /C.P. Garcia Avenue
Southeast Metro Manila Expressway
Roxas Boulevard
Taft Avenue
South Luzon Expressway (SLEX)
Shaw Boulevard
Ortigas Avenue
Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard
Quezon Avenue/Commonwealth Avenue
A. Bonifacio Avenue
Rizal Avenue
Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway
Elliptical Road
Mindanao Avenue

Ang listahan ng mga kalsada ay inisyal na listahan pa lamang dahil tutukuyin pa ng bawat lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang mga karagdagang kalsadang ipagbabawal din ang e-vehicles.

Magmumulta ng P2,500 ang mga lalabag dito.

Obligado rin na magkaroon ng lisensya ang mga gagamitn ng e-vehicles, ayon kay Artes.

Kung ang e-vehicle ay minamaneho ng drayber na walang lisensya, maiimpound ang sinasakyan nito.

Ang bagong polisiya ay magiging epektibo 15 araw matapos ang publication at information campaign.

Nauna nang sinabi na nagsagawa ng pagpupulong ang ilang government agencies at local government units para pag-usapan ang paglikha ng unified regulation sa e-vehicles.

Ani Artes, banta sa kaligtasan ng mga drayber, pasahero at pedestrian ang mga e-vehicle.

“In coming up with a new set of regulations, we shall address these concerns, particularly safety issues. We will consolidate and harmonize all existing rules and regulations, as well as ongoing programs of the LGUs and even the national government concerning e-vehicles, to make it comprehensive. This will also cover not just Metro Manila but nationwide,” sinabi ni Artes. RNT/JGC

Previous articleEmployers kay PBBM: PhilHealth contribution hike ipagpaliban
Next articleBangka na may P28M ismagel na sigarilyo nasabat sa DavOcc