MANILA, Philippines- Maaaring makakuha ng “tax break” ang electric vehicles, kabilang na ang e-motorcycles sa unang bahagi ng susunod na taon.
Ito’y dahil sa susuriing mabuti ang executive order para sa insentibo ng 9 na buwan mula ngayon.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, paunang inendorso ng departamento ang bersyon ng EO kung saan ang e-motorcycles ay kasama o kabilang sa tax incentives sa Office of the President dahil sinusuportahan nito ang “electrification of transport.”
“DTI believes that this measure will help develop the local EV market and encourage consumers to consider shifting to EVs for a cleaner and greener transportation option,” ayon kay Pascual sa isang kalatas.
Ang Executive Order No. 12 ay “temporarily modifies the rates of import duty on electric vehicles, parts, and components. The EO will be subject to review one year from its implementation pursuant to the provisions of the issuance.”
Sa ilalim ng EO, ang iba’t ibang electric vehicles at kanilang components ay makatatanggap ng mababang tariff rates mula sa dating 5 na magiging 30% hanggang sa magiging 0% import duty, na magiging exception ng e-motorcycles dahil excluded ang mga ito mula sa tariff suspension at “are still subject to 30% import duty.”
Gayunman, sinabi naman ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan, na itutuon ng ahensiya ang pansin nito sa posibleng inclusion o pagsama sa e-motorcycles sa ilalim ng executive order matapos na isatinig ng stakeholders ang kanilang concerns na “unfair” na mapag-iwanan sila.
May ilang stakeholders sa EV industry ang nagpahayag ng kanilang concerns nang ang e-motorcycles ay hindi nabigyan ng tax breaks, nag-udyok sa kanila na hikayatin ang mga concerned government agencies na amiyendahan ang EO. Kris Jose