Home SPORTS Eala nakakuha ng opening-round bye sa Asian tennis

Eala nakakuha ng opening-round bye sa Asian tennis

HANGZHOU—Nagkakuha ng bye ang tennis princess na si Alex Eala sa opening round sa women’s singles event matapos isagawa ang draw noong Sabado ilang oras bago opisyal na magbukas dito ang 19th Asian Games.

Seeded na No. 4 – salamat sa kanyang magandang ipinakita sa ilang top-tier events – Ilulunsad ni Eala ang kanyang medal bid bukas (Lunes) bago makasama si Ruben Gonzales sa mixed doubles event sa Martes.

Hinahanap ni Gonzales at ng doubles partner na si Francis Alcantara ang magandang simula sa kanilang title bid sa kanilang pagsagupa sa Thais.

Hindi pa available sa press time ang pangalan ng kanilang mga Thai rivals, pero for sure, parehong alam nina Gonzales at Alcantara na tour veterans sila.

Itinuturing si Eala bilang isa sa mga sumisikat na bituin sa Asia na nanalo ng kanyang ika-apat na titulo sa ITF sa Great Britain noong nakaraang buwan.

Ngunit para makilala siya bilang isa sa kanila, kailangang maging maganda si Eala, 18, sa kanyang unang pagsagupa sa quadrennial sporting showcase.

Kahit na siya ay maagang natanggal sa event sa Guangzhou, nanatiling positibo si Eala.
Nakaharang sa kanya ang Chinese No. 1 na si Zheng Qinwen – ang mismong nagpasindak kay Ons Jabeur ng Tunisia para maabot ang quarter ng kamakailang US Open sa New York.

Inisip din na mahusay ang Indian na si Ankita Raina, ang bronze medal winner ng 2018 edition na ginanap sa Palembang, Indonesia.JC

 

Previous articleBinatilyong pumatay sa mag-inang Pinoy sa US, kinasuhan na
Next articleS&T practice at innovation sa bansa pauunlarin ng mga siyentipiko – Nograles