MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na magsasagawa ng pilot testing ng early voting at mall voting sa darating na barangay at Sangguninang Kabataan elections.
Ayon kay Commissioner George Garcia, isasagawa ang pilot test ng maagang pagboto ay sa Muntinlupa City at Sorosogon City.
“Ang gagawin po muna natin magpa-pilot test po tayo sa 2 malaking siyudad, kung saan pwede nating gawin na yung early voting hours for senior citizens,” sabi ni Garcia.
Aniya susubukan kung ito ay magiging epektibo ay gagawin sa buong bansa sa 2025.
Sabi ni Garcia, nakikipag-usap pa sila sa Department of Education upang tingnan kung papayag ang mga guro na bumoto ang mga tao mula alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng umaga sa pilot venues.
Gayunman, binanggit ni Garcia na ang botohan ay hindi kailangang magbukas nang maaga para sa senior sa araw ng halalan kung ang Kamara ay magpapasa ng batas na nagpapahintulot sa mas maraming sektor ng lipunan na bumoto bago ang pangkalahatang halalan.
Sinabi rin ni Garcia na sinusubok nila ang mall voting sa Oktubre 30 na halalan.
“Meron din po tayong pilot-testing ng mall voting, 7 malls sa Metro Manila, at the same time meron po tayong 2 lugar sa regions, ta-try po nation sa Region 8, atsaka sa Region 5 din,” anang poll chief.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga opisyal ng barangay sa mga lugar na nakapaligid sa mga mall para malaman kung bukas sila sa pagboto rito. Jocelyn Tabangcura-Domenden