Home OPINION “EASE OF PAYING TAXES LAW” NILAGDAAN  NI PANGULONG BBM

“EASE OF PAYING TAXES LAW” NILAGDAAN  NI PANGULONG BBM

NITONG nagdaang January 5, 2024 ay nilagdaan ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. ang Republic Act No. 11976 o ang “Ease of Paying Taxes Act” na isa sa mga priority measures ng administration.

Malaki ang papel ng bagong batas sa katuparan ng 8 point socio-economic agenda ng Marcos government na nakasalalay sa episyenteng koleksyon ng buwis habang binibigyang proteksyon ang karapatan ng mga taxpayer.

Kabilang sa mga probisyong naka­paloob sa bagong batas ang –

–  Klasipikasyon ng taxpayers bilang micro, small, medium at large.

– Pagsusumite ng ITR o income tax returns sa pamamagitan ng electronic o manual sa BIR o Bureau of Internal Revenue, sa mga awtorisadong bangko, o aprubadong software provider.

– Pag-aalis sa kaibahan ng documentation at sa basis of sales of goods and services, at klasipikasyon ng VAT o va­lue added tax refund claims bilang low, medium at high-risk.

Nag-aatas din ang bagong batas ng pagkakaroon ng registration facilities para sa mga non-Philippine resident taxpayers, tulungan ang mga taxpa­yer sa tax processes, pag-streamline ng proseso, pagbabawas ng documentary requirements, at digitalization ng mga BIR services. Kailangang nakapaloob ito sa Ease of Paying Taxes and Digitalization Roadmap na gagawin ng BIR.

Ipinag-utos din na kinakailangang mabigyang-aksyon sa loob ng 180 na araw o anim na buwan ang mga claim  for refund ng mga erroneous o illegal tax collection, itinaas din mula sa dating one Php 100.00 pesos na ngayon ay Php 500.00 pesos na ang mandatory na pagbibigay ng resibo sa bawat transaksyon, at pinabawasan mula sa dating apat na pahina na dapat ay hanggang dalawang pahina na lamang ang ITR form.

Magiging epektibo ang batas matapos ang paglalathala sa Official Gazette at sa pahayagan sa loob ng labinglimang araw.

PAGPAPAREHISTRO NG MGA BAGONG BOTANTE, MAGSISIMULA NA

IPINAPAALAM ng COMELEC o Commission on Elections na ang pagpaparehistro para sa gaganaping National and Local Elections 2025 ay mag­sisimula na sa Pebrero 12, 2024.

Ayon kay COMELEC chairperson George Erwin Garcia magtatagal ang voters registration hanggang September 30, 2024 o sa loob ng pitong buwan lamang.

Inaasahan ng Komisyon ang karagdagang tatlong milyon na mga bagong botante. Sa kasalukuyan ay nasa mahigit 68 milyon ang mga rehistradong botante na lumahok sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023 nitong Oktubre 30, 2023.

Nakatakdang maghalal ng labingdalawang senador, party-list representatives, at mga lokal na opisyal ang mga botante sa darating na mid-term elections sa buong bansa.

Para sa iba pang mga impormas­yon, maaaring bisitahin ang official COMELEC website, www.comelec.gov.ph.

Previous articleKumpirmasyon ni Recto sa CA, ‘di dadaan sa butas ng karayom – Jinggoy
Next articleMEDIA BULLYING