Home NATIONWIDE Easterlies, Amihan magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

Easterlies, Amihan magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang easterlies sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao habang magpapaulan ang Northeast Monsoon (Amihan) sa extreme Northern Luzon ngayong Miyerkules, ayon sa ulat ng PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Visayas, Mindanao, Mimaropa, Bicol Region, Mainland Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa easterlies at shear line.

Inaasahan naman sa Batanes at Babuyan Islands ang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.

Makararanas nag Ilocos Norte at Apayao ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Northeast Monsoon.

Samantala, nagbabadya sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Makararanas ang northern at eastern sections ng Luzon ng moderate to strong wind speed patungong northeast to east direction na may moderate to rough coastal waters.

Sa Eastern Visayas at sa northeastern portion ng Mindanao naman, magkakaroon ng moderate wind speed patungong eastward na may moderate coastal waters.

Inaasahan sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas ang light to moderate wind speed patungong northeast to east direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Ang wind speed para sa natitirang bahagi ng Mindanao ay magiging light to moderate patungong southeast to northeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:54 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:26 ng hapon. RNT/SA

Previous articleUMIINIT ANG WEST PHILIPPINE SEA
Next articleRIDERS NA TUTOL SA PANIBAGONG BAYAD SA FOOD DELIVERY SINUSPINDE, SINIBAK