Home NATIONWIDE Easterlies magpapaulan sa Eastern PH

Easterlies magpapaulan sa Eastern PH

MANILA, Philippines- Magdudulot ang easterlies ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa eastern section ng bansa ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Southern Leyte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa easterlies.

Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Northern Luzon ay light to moderate patungong east to southeast na may slight to moderate coastal waters.

Makararanas naman ang natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate wind speed patungong the east to northeast direction na may slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw ng alas-6:18 ng umaga at lulubog ng alas-6:02 ng hapon. RNT/SA

Previous articlePagkakasangkot sa Senate coup pinabulaanan ng Kamara
Next articleTSANSA NG PAGGALING MAS MATAAS sa CANCER SCREENING TEST