Home NATIONWIDE Easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng VisMin

Easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng VisMin

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang easterlies sa eastern section ng bansa ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Davao Region, Caraga, Northern Mindanao, Southern Leyte, at Bohol na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa easterlies.

Inaasahan sa Batanes ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Northeast Monsoon (Amihan).

Nakaamba naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms. 

Ang wind speed forecast para sa extreme northern Luzon ay moderate to strong patungong eastward direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate winds patungong east to northeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw ng alas-6:23 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:57 ng hapon. RNT/SA

Previous articleUNLI NA PIRMAHAN KAHIT SAAN AT KAILAN
Next articleM-5.2 quake tumama sa Surigao del Sur