Home NATIONWIDE Easterlies nakaaapekto sa buong bansa

Easterlies nakaaapekto sa buong bansa

MANILA, Philippines- Magdudulot ang Easterlies ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa buong bansa ngayong Linggo, ayon sa PAGASA.

Ayon sa state weather bureau, makararanas ang lalawigan ng Aurora ng maulap na kalangitan na sasabayan ng kalat na pag-ulan. Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers and thunderstorms.”

Samantala, iiral sa buong bansa ang light to moderate wind speeds mula sa northeast at east directions. Magiging slight to moderate naman ang coastal waters .

Papalo ang temperatura sa 25.2 °C hanggang 33.0 °C. RNT/SA

Previous articleP5M marijuana plantation sinunog
Next articleSurigao del Sur niyanig ng M-4.4 quake