Home ENTERTAINMENT Eat Bulaga may bagong hosts na!

Eat Bulaga may bagong hosts na!

2095
0

Manila, Philippines – Kilalanin bukas, Lunes, ang bagong mga hosts ng Eat Bulaga.

Bagong bihis na nga ang pananghaliang programang nilayasan ng TVJ at ibang

Dabarkads simula bukas.

Bilang paghahanda’y nagkaroon sila ng ensayo nitong June 3, Sabado.

Ang mga kapalit ng dating Dabarkads ay kumpirmado nang sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, ang Legaspi twins na sina Cassy at Mavy at Alexa Miro.

Balita ring inaawitan si Kim Atienza pero payag lang daw to tuwing Sabado.

Ang pre-progranming ng EB ay

Tiktok Clock kung saan regular host si Kim.

Ayaw pa raw munang magbigay ng detalye si Paolo.

May iba pa rin daw kinukuhang mag-host ng EB na sa ngayon ay nasa ilalim ng pamumuno ng mga Jalosjos.

Samantala, marami ang nag-uusisa kung kasama rin daw ba sa bagong lineup ng hosts si Alden Richards.

Matatandaang wala ang Pambansang Bae nang magpaalam ang EB Dabarkads nitong May 31.

Ayon naman kay Alden, malaki ang tinatanaw niyang utang na loob sa EB.

Sumipa ang kasikatan ni Alden mula nang ilunsad ng programa ang kalyeseryeng nagbigay daan sa AIDub tandem noong 2016.

Ani Alden, mahalaga raw sa kanya ang sense of loyalty.

Having said that, malabo nga siyang mapabilang sa bagong EB.

Meanwhile, kaabang-abang din ang kina TVJ at Dabarkads na kumpirmado nang sa TV5 lilipat.

Ang cryptic post ni Joey de Leon na “Take five!” ay malinaw na giveaway.

Alin kaya ang mas panonoorin ng ating mga kababayan. Ronnie Carrasco III

Previous article14-anyos hinalay, pinatay; krimen binidyo, pinagyabang ng 3 suspek
Next articleLotto Draw Result as of | June 5, 2023

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here