Home ENTERTAINMENT Eat Bulaga namaalam na!

Eat Bulaga namaalam na!

769
0

Manila, Philippines- Ayan na nga! Gaya ng inaasahan pagkatapos ng ilang buwang ispekulasyon ng mga Marites, nagpaalam na ang Eat Bulaga kasama ang hosts na sina Tito at Vic Sotto, at Joey de Leon, at ang buong Dabarkads, sa Tape Inc.

Ang TAPE, Inc. ang producer ng longest-running noontime show.

Ang pangyayari ay isang sad moment na naganap sa Philippine television industry ngayong araw, May 31, 2023.

After 44 years ay nagpaalam ang TVJ sa longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga!.

Bago mag-ala-una nang hapon, bumulaga sa YouTube channel ng Eat Bulaga! ang mga haligi ng show na sina Tito, Vic, at Joey para sa kanilang live announcement. Nasa likuran naman ang lahat ng co-hosts ng show na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, at Ryan Agoncillo.

Ayon kay Tito Sen, nasa studio silang lahat pero hindi sila pinayagang umere nang live ng bagong management ng TAPE.

“Pumasok po kami ngayong araw para magtrabaho, pero di po kami pinayagang umere ng new management nang live. Hindi po kami pinayagang mag-live ng new management,” sabi ng dating Senate President.

Nagpasalamat naman sina Joey at Vic sa lahat ng TV networks na naging tahanan nila sa nakalipas na 44 years kasama na rin ang advertisers na nagtiwala sa kanila.

Ayon sa mga netizens, posibleng hinarang ng management ang nakatakda sana nilang pormal na pagpapaalam sa ere.

Sabi pa ni Joey, “Kung natatandaan niyo po July 30, 1979 nang simulan namin ang Eat Bulaga!. Forty-four years na po ngayong taon na ito.

“Kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa mga naging tahanan namin. Unang-una ang RPN-9 for nine years. Ang ABS-CBN for six years, at ang GMA for 28 years. Thank you very much.”

Sabi naman ni Vic, “Nagpapasalamat kami sa lahat ng advertisers mula 1979 na nagmahal, nagtiwala, at sumuporta sa amin.”

Pinasalamatan din ng tatlo ang mga manonood, si Mr. Tony Tuviera, at ang Panginoon.

Sa huli, sinabi ni Vic na, “Hindi na po namin isa-isahin ang laman ng aming mga puso at damdamin. Ang hangad lang po namin ay makapagtrabaho nang mapayapa, walang maaagrabyado, at may respeto sa bawat isa. “Simula ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay magpapaalam na sa TAPE, Incorporated.

“Karangalan po namin na kami, e, nakapaghatid ng tuwa’t saya, mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay ninyo.

“Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Hanggang sa muli! Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa.”

May nagsabi naman na handa na rin ang GMA7 at may ipapalit na sa naiwang timeslot ng EB.

“Done deal” na naman daw ang paglipat nina Tito, Vic, at Joey sa TV5. Joey Sarmiento

Previous articlePTFoMS chief: P50K reward alok sa OrMin broadcaster slay case
Next articleState pension funds ban na sa Maharlika fund bill ng Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here