Home ENTERTAINMENT EB sa TV5 suportado ni Bullet ng TAPE Inc.

EB sa TV5 suportado ni Bullet ng TAPE Inc.

Manila, Philippines – Despite the falling out with the TVJ, susuportahan pa rin daw ni Bullet Jalosjos ang programa ng comic trio sa TV5.

Nitong June 7 nang isinapubliko na ang TV5 ang magiging bagong tahanan ng programang kumalas sa Tape, Inc.

Ang Tape, Inc. ang producer ng longest running noontime show sa bansa.

Si Bullet ang tumatayong chief finance officer ng nasabing kumpanya.

Sa interview sa kanya ni Pinky Webb para sa The Source ng CNN Philippines, ipinahayag ni Bullet na masaya sila ng kanyang pamilya na this early ay nakahanap ng bagong tahanan ang bumubuo ng Eat Bulaga.

Matatandaang May 31 nang ianunsyo ng TVJ na binubuo nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon na magpapaalam na sila sa Tape, Inc.

Nang mismong araw ding ‘yon ay nagsumite ng courtesy resignation ang iba pang co-hosts ng Eat Bulaga.

Replay ng past episodes ng EB ang ipinalabas makaraan niyon, pero umere nitong June 5 ang bagong bihis na Eat Bulaga with a new lineup of hosts.

Inamin ni Bullet na hindi naging madali para sa kanila ang desisyon ng TVJ na kumalas sa Tape, Inc.

Gayunpaman, kahit daw limitado ang panahon ay naitawid nila ang programa with the exodus of the original hosts.

Nasa TV5 man ang EB, nangako si Bullet na panonoorin at susuportahan niya ito.

Hindi rin daw nila balak pagkumparahin ang original Dabarkads at ang bago nilang hosts.

Tanggap daw ni Bullet ang katotohanang “TVJ is and will always be TVJ!”

Nagkabiruan pa sa programang The Source nang tanungin ni Pinky kung panonoorin pa rin daw ba ni Bullet ang show sa TV5 kung sabay silang umeere?

Sa bandang huli, inamin ni Bullet na ima-maximize na lang daw nila ang kanilang resources o kung anuman ang meron sila.

But definitely daw, competition is out of the question.

Of course, such statement remains to be seen dahil sa July pa magsisimulang umere sa TV5 ang programa ng buong Dabarkads.

Sa June 30 pa kasi nakatakdang mag-expire ang kontrata ng It’s Showtime sa TV5 kung saan ito umeere along with three other channels. Ronnie Carrasco III

Previous articleFULL COMPLIANCE SA SAFETY AND HEALTH KAILANGAN
Next articleOFWs kinilala ng DMW kasabay ng National Migrants Week