TUWING may bagong presidente at mga bagong miyembro ng Kongreso, hindi puwedeng hindi uugong ang na may charter change o Cha-Cha.
Maraming mambabatas na ang nagtangka na isulong ang Cha-cha subalit pawang bigo sila na maisakatuparan ang planong pagbabago ng ating saligang-batas.
Ang huli ay noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mismong ang huli ang nagbigo na tatapusin niya ang tatlong taon bilang president bago uuwi sa Davao at muling uupo bilang alkalde. Subalit hindi naman ito nangyari.
Kaya naman dahil sa husay ng ating Vanguards of the Philippine Constitution na pinamumunuan ni Atty. Eligio Mallari ay pinapalakpakan natin ang mga ito at binabati na rin sa kanilang 36 year anniversary ngayong February 02.
Marami ang hindi nakakaalam na ang grupo ni Mallari ang tahasang nagtatanggol sa ating saligangbatas.
Hanggang ngayon ay hindi pa namamatay ang isyu ng pederalismo na nailunsad o naipakilala noong panahon ng administrasyon ni Tatay Digoy.
Ngayong panahon ni Pangulong Bongbong Marcos, may mangyari kayang pagbabago sa saligangbatas ng Pilipinas.
Ang keynote speaker sa kanilang pagdiriwang ng anibersaryo ng VPCI ay si Department of Interior and Local Government Secretary Atty. Benjamin “Benhur” Abalos. Hopefully, mapag-uusapan ang ibayong pagmamahal sa ating saligang batas.
Napapanahon din ang tema na “Incessant and Relentless Battles to Win Against Graft and Corruption”. Aba, baka nga magtuloy-tuloy na ang laban.
Sana lang ay kung mapagpapasyahan na magkaroon ng Cha-Cha ay para sa kabutihan ng nakararami at hindi ng iilan na pawang pansarili ang hangad.
Saan ngayon tayo papanig? Sa Cha-cha o anti-cha-cha.
Kung meron kayong mga katanungan mag email lang sa [email protected] at makinig sa aking programang Todo Nationwide Talakayan 7:00 to 9:00AM every Sunday sa DWIZ 882kHz AM Band. Pwede rin kayong mag text sa 0995-132-9163.