BARMM- Naging mapayapa ang paghain ng certificates of candidacy para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na nagsimula noong Agosto 28.
Inihayag ito ni BARMM chief minister Ahod Ebrahim nitong Huwebes.
Aniya, wala silang naitalang karahasan na may kinalaman sa paghahain ng COC sa nasabing rehiyon at naging maayos ang takbo sitwasyon.
Dagdag pa ni Ebrahim, nakikipagtulungan sila sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na itinalaga sa rehiyon para sa pagpapatupad ng gun ban na ipinataw ng Commission on Elections (Comelec) at naging maayos ang pag-monitor ng mga violations sa gun ban na ipinatupad ng national government. Mary Anne Sapico