Home ENTERTAINMENT Echo at Kim, nagsagutan sa IG!

Echo at Kim, nagsagutan sa IG!

Manila, Philippines – Pinusuan ng mga Marisol ang pinakabagong post ni Jericho Rosales sa kanyang Instagram account.

Ito ay pagkatapos na kumalat ang bonding nila ni Kathryn Bernardo through jogging.

Sa nasabing photo na naka-white sando lamang ang aktor ay nagpahayag ito ng kanyang craving for ramen.

Caption niya: “Hmmm, ramen.”

Nag-react naman ang kanyang ex na si Kim Jones sa kanyang post.

Ani Kim: “Mmmmm, ramen.”

Ibig sabihin ay natakam din ang model at ex ni Jericho sa kanyang food.

Bagama’t may mga nanghihinayang sa kanilang hiwalayan na na-scoop mula sa kanilang ninong, marami naman ang natutuwan na sa kabila ng kanilang splitup ay nananatili silang magkaibigan.

May ilan namang kibitzers ang nagsasabing posibleng magkabalikan ang ex couple lalo na’t hindi naman nasira ang kanilang friendship.

May mga nag-oopinyon ding breather ang kanilang parting of ways para makapag-focus ang aktor sa kanyang karera.

May mga proyekto kasing tinanggahan si Echo mula nang maitali siya kay Kim.

Marami na rin kasing kafaneyan ang nakaka-miss sa acting ng magaling na aktor.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag sina Kim at Echo sa kanilang hiwalayan. Archie Liao

Previous articleFlexible Constitution kailangan para makasabay sa global trends – Angara
Next articlePagresolba sa kaso ng filmmaker at mga kasamahan nito, pinamamadali ni Remulla