Home HOME BANNER STORY Economic provisions unahin sa pag-amyenda sa Konstitusyon – PBBM

Economic provisions unahin sa pag-amyenda sa Konstitusyon – PBBM

MANILA, Philippines- Mas pinili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “least controversial way” para amyendahan ang Saligang Batas at ito’y unahin ang economic provisions at isantabi ang political changes.

“The 1987 constitution was not written for a globalized world. That is where we are now… so we have to adjust so that we can increase the economic activity in the Philippines so we can attract more foreign investors,” ayon kay Pangulong Marcos.

Naniniwala kasi ang Pangulo na makatutulong sa ekonomiya ang pamumuhunan ng mga dayuhan subalit sa ngayon ay nilimitahan ng Saligang Batas ang foreign ownership sa 40% sa public utilities gaya ng kuryente, tubig at public utility vehicle.

Mayroon din namang 100% na hindi maaaring mapunta sa kamay ng mga dayuhan gaya ng lupa.

“Iyong lupa mahirap masyado iyon. I don’t think, because that will cause disruptions. Iyong mga taga-doon.. ako feeling ko, those who have resided in that area over many years.. papasok iyong mga mayayaman na dayuhan..they will pay big money to buy that land.. the value of the land will go up and the old residents cannot pay for the real estate tax because nawala na sa market nila so papaalisin natin ‘yang mga ‘yan. I don’t think I will agree with that,” paliwanag ng Pangulo.

Kaya malinaw na hindi siya pabor sa foreign ownership plan at matigas na “Hindi, hindi” ang naging tugon ng Pangulo.

At para naman sa korporasyon, sinabi ng Chief Executive na “baka pwede nating pag-usapan except for the critical areas such as power generation, media. All the strategic areas that we cannot allow to be influenced by a foreign entity, a corporation or another country. That’s what we have to decide—where we draw the line and how much.”

Samantala, hindi lamang sa economic provisions magtatapos ang pag-amyenda sa Saligang Batas dahil hindi naman siya sarado sa pag-amyenda sa political provisions. Iyon nga lamang ay hindi sa ngayon.

“Let’s be practical, in terms of the term limits look what has happened when I’m the Mayor for 9 year.. Hindi na ako makatakbo so patakbuhin ko ‘Yung asawa ko, patakbuhin ko Yung anak ko..ako ngayon ang magiging Vice-Mayor..So, wala ring nagbago. They’re still running the show. We have a term in Ilocos. We call them mayor-vice. Because they’re the vice mayor but they’re running the administration of the town,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“So, that’s something.. We really have to think about that. But I think in the present day, we can have these discussions later on. But for the present day, my concern is the economic provisions. And I do not want to confuse the issue any longer,” dagdag niya.

Nauna rito, ibinuking naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tinutulan mismo ni Pangulong Marcos ang pag-amyenda sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng people’s initiative na sinusulong ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa katunayan, inatasan ni Pangulong Marcos ang Senado na pangunahan ang pagrebyu sa economic provisions sa 1987 Constitution – taliwas sa naunang posisyon ng Senado na hindi prayoridad ng Senado ang pag-aamyenda sa Saligang Batas. Kris Jose

Previous articleLoiNie, ‘hiwalay’ muna!
Next articlePCSO nanindigan sa integridad ng lotto draws