Home NATIONWIDE Economic reforms na hirit ng business sector, dapat pakinggan! – solon

Economic reforms na hirit ng business sector, dapat pakinggan! – solon

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep.Dong Gonzales Jr sa mga senador na maging bukas at pakinggan ang panawagan ng business sector na magpatupad ng reporma sa economic provision ng Saligang Batas.

Ayon kay Gonzales may basehan ang panawagan para sa pagbabago ng economic provisions sa Konstitusyon dahil nakatuon ito para dumami ang mapapasukang trabaho at oportunidad na kumita.

Ang pahayag ay ginawa ni Gonzales bilang reaksyon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa 1.83 milyon noong Nobyembre mula sa 2.09 milyon noong Oktubre.

“This means that there were an additional 260,000 of our labor force who got themselves employed in jobs created in the economy through investments. We could create more job and income opportunities for our people if we could attract more investments, especially funds from foreign investors,” sabi ni Gonzales.

Ayon kay Gonzales ang pagpasok ng mas maraming dayuhang mamumuhunan ang nais mangyari ng House of Representatives sa pagsusulong nito ng pagbabago sa Konstitusyon.

Nauna nang nagpahayag ng pagsuporta sa pag-amyenda sa Konstitusyon ang ilang business groups kabilang ang Makati Business Club.

“So we are urging the Senate, which has consistently resisted any form of Charter change, to heed the clamor of the business sector. We can accelerate capital formation and hasten our economic growth for the benefit of our people if we can introduce constitutional reform,” pagtatapos pa ni Gonzales. Gail Mendoza

Previous articleMikey Williams walang balak sumali sa SGA
Next articleAncajas handa na kay Inoue