Home NATIONWIDE Economic tie up saklaw sa security cooperation sa US – PBBM

Economic tie up saklaw sa security cooperation sa US – PBBM

MANILA, Philippines- Kapwa pinroproseso ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagsusuri kung paano pa nila mapabubuti ang kakayahan at pagtutulungan saklaw ang militar, politikal at ekonomiya.

Tinanong kasi ang Pangulo ukol sa bagong commitment ng Estdos Unidos sa pagtulong na matamo ang kapayapaan sa West Philippine Sea matapos bisitahin ang United States Indo-Pacific Command (Indopacom) sa Honolulu, Hawaii.

“Well, again, it’s a process. We are in the middle of many assessments, many discussions kung (on) how we can improve our capabilities, how we can improve our coordination with the US, not only in the military, but also the political leadership,” ayon sa Pangulo.

“That encompasses not only security concerns, but also economic concerns because the thinking in this day is that you cannot be strong and you cannot be able to defend yourself if you are economically weak,” dagdag na pahayag nito sabay sabing, “Both sides are working based on that premise.”

Ani Pangulong Marcos, napag-usapan  din ang seguridad, commitment sa ekonomiya, investments at public private partnership (PPP).

Partikular na tinukoy nito ang pagdalo sa  Asia Pacific Economic Cooperation Leaders’ Meeting sa San Francisco, California, na aniya’y nangibabaw sa pag-uusap ukol sa teknolohiya.

“Karamihan ‘yung meeting namin was about technology and with tech companies. Bagay kasi nandyan ka na . San Francisco, Silicon Valley is just nearby. So we were able to do that,” ayon sa Pangulo.

“We were able to come to terms on some significant projects, programs that we would like to undertake in the Philippines. We talk about it so much about digitalization, about cybersecurity. And we made a lot of progress on this trip to make that part, that sector of our economy, that sector of our country a better one, a stronger one and a safer one,” wika pa niya.

Nauna rito, binisita ni Pangulong  Marcos ang United States Indopacom Headquarters kung saan inilatag sa kanya ang “regional situation at security objectives” ng Estados Unidos at Pilipinas.

Si Admiral John Aquilino, Indopacom commander ang nagbigay sa Pangulo ng itinakdang briefing hinggil sa  kalagayan ng  Indo-Pacific, US Indo-Pacific Strategy at ang  “corresponding role” ng  Indopacom, at ang kakayahan na maaaring ibigay ng Estados Unidos sa Pilipinas bilang suporta sa “common security objectives” nito. Kris Jose

Previous articleComelec kinuwestiyon sa pagpabor sa Duterte-led PDP-Laban wing
Next articleZubiri: Badyet ng DND sa air defense, daragdagan ng Senado