Home HOME BANNER STORY EDSA anniv message ni VP Sara binura

EDSA anniv message ni VP Sara binura

MANILA, Philippines – Binura ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang kanyang mensahe para sa ika-38 anibersaryo ng EDSA Revolution na ipinost noong Linggo ng gabi sa lahat ng kanyang social media accounts.

Sa isang tinanggal na post, hinimok ni Sara ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang paninindigan sa diwa ng EDSA at manindigan para sa tama.

“On this day, we commemorate the brave souls who stood united on the streets of Edsa, fighting for democracy and freedom,” saad ni Sara sa mensaheng burado na.

“As we celebrate this momentous occasion, let us remember the lessons of EDSA—the power of unity, the strength of the Filipino spirit, and the importance of standing up for what is right,” she added.

Ang Rebolusyong EDSA noong Pebrero 25, 1986 ay nagresulta sa pagbitiw sa kapangyarihan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. pagkatapos ng 20 taon sa Malacañang.

Siya ang ama at kapangalan ni incumbent President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang running mate ni Sara sa Eleksyon 2022.

Sinabi ni Marcos noong katapusan ng linggo na dapat basahin ng publiko ang lahat sa kasaysayan mula sa maraming pinagmumulan at magdesisyon mula doon kung ano ang mabuti o mali.

“Huwag kayong magbabasa ‘yung isa lang, basahin niyo lahat. Ang turo sa akin ng lola ko, sabi niya, magbasa ka ng kahit na ano at ikaw nang bahala na mangilatis kung ano ‘yung maganda o ano ‘yung hindi tama, and that’s what history can guide us with,” aniya.

“Because we have experienced this before. Politics is essentially about the human condition, it is about an ideology that you hold dear, a principle that you will not compromise, that you can help the people, so you can be of service to the people. Not to yourself, not to your party, not to your family, but for the people,” dagdag pa niya. RNT

Previous articleZubiri: Cha-cha plebiscite, Eleksyon 2025 gustong pagsabayin ni PBBM
Next articlePCG: Floating barriers muling pinakalat ng Chinese Coast Guard sa WPS