Home METRO EDSA People Power ginunita

EDSA People Power ginunita

MANILA, Philippines- Ginunita ng human rights supporters, at mga kaibigan at pamilya ng Martial Law victims nitong Linggo ang ika-38 anibersaryo ng 1986 People Power Revolution at inihirit ang “reclamation” ng boses at legasiya ng mga Pilipino sa gitna ng umano’y pagbaluktot sa kasaysayan ng bansa.

Nagsimula ang pagdiriwang sa wreath-laying ceremony, na inorganisa ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.

Inihayag ni Ian Alfonso, supervising researcher ng NHCP’s Research, Publication and Heraldry Division, ang pag-asang magugunita ng mga Pilipino ang mga benepisyo ng People Power Revolt, at nangakong ipagpapatuloy ang pag-alala sa kaganapan hanggat may mandato ang NHCP.

“Kahit holiday siya o hindi, kailangan may umaalala,” giit niya.

Hindi isinama ni Pangulong Marcos, anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ang EDSA People Power Anniversary sa listahan ng mga holiday para sa taong ito.

“Disinformation and historical revisionism don’t just try to diminish EDSA; they attempt to rewrite it as the root of our present struggles. They twist narratives, painting the People Power Revolution as a naive misstep instead of the courageous act of self-determination it truly was,” pahayag ng Liberal Party (LP).

“But we, the inheritors of that legacy, refuse to be silenced. We refuse to allow our history to be rewritten. We refuse to stand by while leaders prioritize personal agendas over the nation’s future,” dagdag nito.

Pinabulaanan din si LP spokesperson at dating senador Leila de Lima, na halos pitong taong nakakulong matapos ang mga akusasyon ng Duterte administration, na tungkol ang EDSA revolution sa mga Aquino.

“EDSA wasn’t about a singular leader; it was about the people reclaiming their voices, their future, and their right to be heard,” wika niya.

Dumalo si Emilio Aquino, apo ni dating senador Agapito “Butz” Aquino at pamangkin ng democracy icon na si Ninoy Aquino, sa event sa People Power Monument at binigyang-diin na ang EDSA ay hindi lamang tungkol sa politika.

 “EDSA is not just about politics. It is really about values,” ani Aquino. “It’s really about remembering what we stood for, what the people stood for in 1986. Values like truth, justice and democracy.”

Gayundin, mahigit isang daang cyclists, joggers, at skaters ang nagtipon sa Ayala Avenue para sa “EDSA Freedom Ride,” na inorganisa ng Akbayan Partyupang gunitain ang anibersaryo at labanan ang mga pagtatangkang amyendahan ang 1987 Philippine Constitution, na isinilang matapos ang Marcos dictatorship.

Sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, itinampok sa “The EDSA Story: A People’s Victory, A Nation’s Glory” event ng Buhay Ang EDSA Campaign Network ang mga performance mula sa Bayang Barrios, Noel Cabangon, Xiao Chua, Jaime Fabregas, Arman Ferrer, Jep Go, Edru Abraham, UP Kontra Gapi, at ng Ateneo Entablado.

Inamin ni Tindig Pilipinas convenor at dating presidential adviser on the Peace Process na si Teresita Deles na maaaring nagkulang ang kanilang henerasyon sa pagbabahagi ng mga kwentong EDSA sa mga kabataan.

“Sabi namin papaano ba natin ito ikukwento? Mukha iyon ang pinagkulangan natin. Hindi natin naikwento. Medyo nakalimutan, napabayaan itong ating legacy, itong ating kwento,” paglalahad niya.

“And we said we have to find a way of telling the story. So, this morning, this is what it is. It is a way of telling a story that is especially dedicated to our young people,” dagdag ni Deles.

“Patuloy tayong mangarap. Patuloy nating igalaw ang ating mga kamay sa pagkilos dahil kaya natin. Sama-sama natin ipakita ang ating paniniwala sa isa’t isa,” panawagan naman ni Fabregas, isang aktor at aktibista.

“This is a very special day. Yung Buhay Ang EDSA Network Coalition came together because it was time, it was beyond time to stand up and reclaim our celebration, our victory, our legacy,” dagdag ni Deles.

Kabilang sa mga dumalo ang 1987 Constitution framers na sina Florangel Braid, Prof. Ed Garcia, lawyers Christian Monsod, at Rene Sarmiento.

Naroon din sina human rights lawyer Chel Diokno, Winnie Monsod, Rene Saguisag, Randy David, Butch Abad, Erin Tañada, Viel Aquino-Dee, at Francis “Kiko” Aquino Dee. RNT/SA

Previous articleAmihan iiral sa Luzon
Next articleMariel nag-sorry sa ‘Vitamin C’ drip photo sa Senado