Home NATIONWIDE Egay-hit areas tutulungan ng SoKor, Canada

Egay-hit areas tutulungan ng SoKor, Canada

MANILA, Philippines- Nakatakdang magbigay ng South Korean government ng $300,000 o tinatayang P16 milyong humanitarian assistance sa Pilipinas upang tulungan ang bansa na makabangon kasunod ng pananalasa ni Bagyong Egay noong Hulyo.

Base sa South Korean Embassy nitong Huwebes, sinabi ni Ambassador Lee Sang Hwa ang impormasyon kay Foreign Secretary Enrique Manalo sa sidelines ng Dialogue on Maritime Governance in the South China Sea noong Miyerkules ng gabi.

“In turn, Secretary Manalo conveyed his utmost gratitude to the South Korean government for its continuous humanitarian support to the Philippines,” anang embahada.

Gayundin, nangako ang Canada ng humanitarian support na nagkakahalaga ng 380,000 Canadian dollars o halos P16 milyon.

Sinabi ng Canadian Embassy na tututok ang tulong sa emergency shelter, cash assistance, at water, sanitation, at hygiene service provisions sa pamamagitan ng iba’t ibang organisasyon, kabilang ang Humanitarian Coalition at ang Canadian Red Cross. 

Hanggang nitong August 4, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang bilang ng napaulat na nasawi sa pinagsanib na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat, na pinalakas ng tropical cyclones Egay at Falcon, ay umabot na sa 29. 

Sa datos na ito, dalawa pa lamang ang kumpirmado habang bineberipika pa ang 27. Naiulat naman ang pagkawala ng 11 indibidwal, habang 165 ang nagtamo ng injury dahil sa masamang panahon.

Pumalo ang kabuuang bilang ng mga apektadong indibidwal sa 3,028,040 o 805,621 pamilya mula sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, Bangsamoro, Cordillera, at Metro Manila.

Nagdeklara rin ang 232 lungsod at munisipalidad ng state of calamity. RNT/SA

Previous articleMga POGO na may utang, balak kasuhan ng PAGCOR
Next articleCagayan gov pinadiditene ng Kamara sa ‘di pagsipot sa hearing