Home NATIONWIDE Eid al-Adha prayers itinakda sa Linggo, Hunyo 16

Eid al-Adha prayers itinakda sa Linggo, Hunyo 16

MANILA, Philippines- Isasagawa ang Eid al-Adha prayers sa Linggo, Hunyo 16, 2024, ayon sa Islamic advisory council ng rehiyon.

Sa pahayag nitong Sabado, sinabi ng Bangsamoro Darul-Ifta’ (BDI) na kasado ang pananalangin ng eksaktong alas-6 ng umaga.

Ayon kay Bangsamoro Grand Mufti Sheikh Abdulrauf Guialani, tumutukoy ang petsa sa ika-10 araw ng Dhul-Hijjah sa Islamic calendar (1445 H).

“Celebrations will officially commence following the Eid Khutbah (sermon) after the prayer and continue until the Ayyam Al-Tashreeq (Days of Throwing), which will begin on June 17 and conclude with the Maghrib (sunset) call to prayer on June 19,” wika ni Mufti Guialani.

Dagdag ng BDI, lahat ng natukoy na Eid prayer locations sa Bangsamoro region ay hinihikayat na sundin ang alituntunin upang isulong ang pagkakaisa sa okasyong ito.

Ang Eid al-Adha, kilala rin bilang “Festival of Sacrifice,” ay mahalagang Islamic holiday na gumugunita sa debosyon ni Prophet Ibrahim (Alayhis Salam) kay Allah.

Idineklara ng Malacañang Palace ang Hunyo 17, 2024, Lunes, bilang regular holiday bilang paggunita sa  Eid’l Adha. Inanunsyo ito sa paamagitan ng Proclamation No. 579, nilagdaa ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Hunyo 4. RNT/SA