Home HOME BANNER STORY Ekonomiya, inflation pangunahing alalahanin ng mga Pinoy – sarbey

Ekonomiya, inflation pangunahing alalahanin ng mga Pinoy – sarbey

MANILA, Philippines- Nananatiling pinakamalaking alalahanin ng mga Pilipino ang ekonomiya, ayon sa end-of-year survey ng Publicus Asia Inc.

Isinagawa ang independent at non-commissioned “PAHAYAG” survey mula Nov. 29 hanggang Dec. 4 kung saan makikita na ang ekonomiya at inflation ang top concerns ng mayoryang 15% ng respondents.

Nito lamang buwan, iniulat ng Philippine Statistics Authority na patuloy na bumaba ang inflation rate sa 4.1% noong November mula sa 4.9% noong October. Dahil dito, pumalo ang average inflation mula January hanggang November sa 6.2%, na labis pa rin sa target range ng pamahalaan na 2% hanggang 4%.

Ayon pa sa Publicus Asia, sumunod ang kahirapan at korapsyon bilang top concerns para sa mga Pilipino sa 12% at 9%.

“Notably, Corruption is least concerning to those with No Formal Education at 5%, while Poverty resonates strongly with the 18-24 age group, registering a 17% concern,” anang Manila-based political consultancy firm nitong Miyerkules.

Batay pa sa resulta, ikinababahala rin ng mga Pilipino ang edukasyon, agrikultura, at sweldo na nakakuha ng tig-6%.

Sa micro-level, napag-alaman ng Publicus Asia na ang hirap a paghahanap ng trabaho ang pinakamalaking alalahanin sa 14%.

Sinundan ito ng “affordability” ng mga pangunahing pangangailangan at takot na mawalan ng trabaho sa 12%.

Base rin sa survey, siyam sa 10 respondents ang nag-aalala ukol sa mga krimen at paggamit ng ilegal na droga sa mga komunidad.

Sinabi ng Publicus Asia na 1,500 registered voters ang nakilahok sa survey. Pinili sila mula sa market research panel ng mahigit 200,000 Pilipino. RNT/SA

Previous article4 direktor ng MIC nanumpa sa tungkulin
Next articlePDP-Laban pumalag sa suspensyon ng SMNI show ni Digong